Makulimlim
ang langit ng kamaynilaan na tila nagbabadya ng malakas na ulan.. Sa pagtahak sa
mundo ng industriya, hindi inalintana ang gutom, pagod, at antok. Sa kabila ng
paghihintay sa oras ng itinakda, kumain sandal sa isang napaka-espesyal na
restaurant na Banapple. Unang kita
palang, natakam na agad akong kumain, at hindi ako nagkamali sa aking
pinuntahan, hmmm…super creamy and yummy
cheese sa sarap ang pagkain sa halagang 185 lang mabubusog ka talaga at
matatagpuan ito sa Morato
Matapos
kumain, hinanap at tumungo sa kaharian ng showbiz kung saan dito makikita ang
mga bigatin at mga hinahangaang artista sa pelikula , adbertisement, o sa mundo
ng showbiz.
Makikita ang logo, kung
saan tinatamasa ng lahat. Unang sulyap sa ABS-CBN, hindi ko inakalang ganun
pala ang mga patakaran sa loob ng studio. Dapat may kakilala ka sa loob bago ka
makapasok. Napansin kong madami-dami din ang tila naghihintay sa labas ng
studio at naghihintay din na dumating o lapitan sila ng kanilang mga kakilala.
Sunod-sunod ang pagpasok sa loob
na tila hindi mapigilan. May napansin akong mga dalang ticket o gatepass na
ipinapakita sa mga security guard habang
kami sampu ng aking mga kasama ay naghihintay na papasukin.
At sa wakas, nakapasok
din sa loob. Habang naghihintay papasukin sa pinaka-entablado ng The Buzz, nagkuhanan muna kami ng
picture, buong klase ay nagalak sa pagpapakuha buhat sa maraming tao na hindi
magkamayaw sa gulo. Kapansin-pansin din ang sabik ng mga tao na makakita ng
artista sa loob. Ang buhay nga naman…!kahit hindi mo akalain na dapat kang
tingalain, dadating din sa itinakdang panahon.
Ilang sandali
pa’y nagbigay na ng patakaran ang mga security guard na kung ano ang bawal
gawin sa loob. Pinapila kami ng dalawang linya habang excited pumasok sa loob.
Hindi
napigilan ang pagpapakuha ng litrato sa
loob ng ABS-CBN sapagkat ito ang aming habit, ang magpakuha ng mga litrato
kahit saan man mapadpad. Ang sarap ng pakiramdam na kasama mo ang buong klase
at prof. na tila field trip lang ang dating at sana marami pang araw ang
magkasama-sama ulet ang buong klase(bonding
together).
Sa
loob ng Studio
Habang nakapilang pumapasok sa loob,
isa-isa kami pinaupo sa loob ng studio kung saan makikita mo ang senaryo ng
entablado ay pawang may kaliitan. Akala ko ang laki ng entablado pagnakikita sa
telebisyon, ngunit sa totoong buhay hindi pala. Malaki ang nagagawa ng lente sa
kamera dahil inaagap nito ang bawat sulok o teksto na maaaring dayain sa
paningin ng masa. Kabilang dito ang mga nakapalibot na mga tao sa studio, kung
saan aligaga sila kung anu dapat unahin. Pero sabi nga nila, sanayan lang sa
trabaho. Nakiramdam ako sa bawat eksena na kanilang ipinapakita. May
kani-kaniyang role ang bawat isa. Halos nalilito ako kung sino sa kanila ang
pinaka head director. Bakas sa aking
isipan ang pagkalito nun, ngunit habang tumatakbo ang oras, naliwanagan ako sa
aking mga nasaksihan. Para itong kontrabersiya sa pelikula o sa mundo ng
showbiz, paikot-ikot ang bawat kilos, galaw, at kontrata ayon sa sinasabi ng
namumuno.
Ang
Host/ Artista at ang Lente sa Kamera
Pagpasok
sa entablado, kapansin-pansin ang tila naggagandahang host/artist na sina Charlene Gonzales at Tony Gonzaga at ang
boses ng masa na si Boy Abunda.
Kapanapanabik ang mga hinanda nilang eksena o kontrabersiya sa madla na mas
pumatok at pinaghandaan ng lahat. Isa na dito ang hindi mapantayan alyas “Jolina M. at Marvin Agustin” na
kinatampukan ng teen young loveteams na
sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Maraming mga
kontrabersiya ang isiniwalat at itinakda. Handa ang madla sa kung anu ang
kanilang makikita at maririnig sa studio.Makalipas ang ilang oras…abang ang
lahat sa pagdating ng dalawang bigating artista na kapansin-pansin ang ingay,
tili ng bawat kabataan, at may cheerer pa!
Sa
momentum ng palabas, kitang-kita ang kapanapanabik na paghihintay ng mga
manonood. Sa paglalahad ng mga tv host, walang kisap-mata ang namumutawi sa lahat.
Ang
Talk Show
Isang
‘di mahulugang karayom ang bumulaga ng dumating ang sikat na loveteam na sina Daniel Padilla at Kathryn
Bernardo. Isang hindi mapantayang ingay ng makita ng lahat ang kakisigan at
kagandahan ng guest. Sakanilang pag-entrada sa entablado, inisa-isa ang
pagbabatikos ayon sa kanilang nararamdaman. Unang nagtanong si Charlene kay
Kathryn:
Charlene:
Kathryn, ayon sa mga witnesses, totoo ban a may namumuo ng relasyon sa inyo ni
Daniel?
Kathryn:
Hahahaha…(sabay tingin kay Daniel),actually tita, hindi naman mahirap
pakisamahan si Daniel, his the one who makes me feel happy!
Charlene: So,
totoo?
Kathryn:
Actually, nagstart an gaming bonding sa teleserye ng Princess and I
Charlene: Hindi
ba masyado obuse na sa lahat ng nakatambal mo sa mga pelikula, serye ay tanging
si Daniel Padilla ang one of the kilig avid
fans ng lahat at sinasabi nila na kayo na daw ba talaga? Hmmmp…aminin…!
Kathryn: Tita
were just friends, hindi ko naman masisisi na sobrang sweet lang naming sa isa’t
isa ni Daniel, time will come siguro…hahahaha
Tony:Ikaw naman
Daniel, gaano ka-espesyal sayo si Kathryn?
Daniel: Sobra
po!
Audience:
(Nagkaingayan sa kilig!Napapasigaw!)
Tony: Ah
talaga! So, hindi malabong may namumuo nga sa inyo ni Kathryn?
Daniel:
(Napabuntong hininga)Tulad nga po ng sinabi ni Kath tita, friends lang po
talaga kami.
Charlene: Pero,
at the moment nang magkasama kayo sa Hong Kong, anu yung happiness na
nararamdaman nyo?
Kath &
Daniel: Sobra saya po!
Charlene: Okay!
Mapapatunayan nyo ba kung gaano kau ka-espesyal sa isa’t isa? Gagawa kayo ng
sarili ninyong script.
Tony: Kung saan
lahat ng itatanong ng bawat isa e, pawang katotohanan lamang. Okay, umpisahan
na natin!
Daniel: Kath, ano ang gusto
mong ibigay ko sa birthday mo?
Kath: (Tila nag-iisip kung ano
ang hiling),hmmmp…bag!hahahaha
Charlene & Tony: Wow! Anung klaseng
bag, anung tatak
Daniel: Louis Vuitton
Kath: hahahaha!
Charlene: , ikaw naman Kath,
Kath: Daniel, ano ang nais mong
ibigay ko sa birthday mo?
Daniel: Sapatos nalang!hahahaha
Tony:Wow!anu kaya hilig ni Daniel
pagdating sa shoes…?
Audience: Kiligan habang
tinutugtog ang music album na “Na Sa Iyo na Ang Lahat”
Sa pagtatapos ng kiligan to the
max nina Kath at Daniel, isang pasabog na naman ang eentrada sa pagbabalik ng
The Buzz!
A very beautiful lady, Ms. Gretchen Barreto live here in The Buzz!
Sa kanyang pagbabalik showbiz,
inamin nya sa lahat na malaki ang pagbabagong nagaganap ngayon sa kanyang buhay
lalo nasa buhay-pamilya. Inamin nya sa lahat na nagpapasalamat siya sa mga
blessings na dumarating sa kanyang buhay, higit sa kanyang career. Sa mga
nagdaang panahon na kanyang ginugol sa industriya, hindi niya maitatago ang
pasasalamat lalo sa kanyang anak at asawa, sapagkat tanging sila, mga
tagasuporta, kaibigan ang nagpapalakas sa akin, kaya masasabing hanggang ngayon
hindi kumukupas ang ganda, abilidad,at katatagan sa buhay. Nagpapasalamat si
Gretchen sa kanyang kaarawan na idinaos dito sa The Buzz. Halos napaiyak siya
ng makita ang kanyang anak na si Dominic “Dom” kung tawagin. Ipinadama ng
kanyang anak kung gaano niya kamahal at ka-importante sa buhay ang inang si
Gretchen Barreto. Sa kabila ng mga batikos, nananatiling ang anak at ang asawa niyang
si Tony Boy Cojuangco ay palaging nasa tabi lang at laging suporta ang nananaig.
Sa pagtatapos ng The Buzz, marami
ang nasisiwalat, nababatikos, at higit sa lahat hindi masasabing ang buhay ay
hindi palaging nasa taas o ibaba man. Nararapat lamang natin pahalagahan kung
anuman ang ating nakakamit ngayon at hinding-hindi dapat nating kalilimutan ang
lumikha sa atin, ang Poong Maykapal.