Isang magandang hapon
ang sumagi sa aking isipan ng matanto ko na kailangan kong tumungo sa computer
shop para maglaro ng DOTA. Bukod sa mga agam-agam na aking nararamdaman hindi
ko inalintana ang aking kapaguran sa pagtuturo mula alas siete ng umaga
hanggang ala una ng hapon kaya sinikap kong gamitin muna ang aking pahinga sa
pagtuturo para makapaglaro ng DOTA. Isang kabutihang palad ng aking studyante
na sinamahan ako at tinuruan kung papaano maglaro.
Una kong nabatid sa
aking sarili na kahit ako’y isang guro, hindi nawala ang aking nerbyos dahil
wala akong alam sa paglalaro ng DOTA. Pagpasok naming sa loob ng computer shop agad akong tumingin ng
computer kung saan ito ay bakante. Nagkaroon ako ng kapasyahan na “kaya ko
ito!”, hindi alintana sa akin ang mga studyanteng naglalaro sa loob kahit ubod
ng iingay ay ipinokus ko ang sarili ko sa pagmamasid kung paano ito masusundang
laruin.
Sa umpisa palang
nahirapan talaga ako sa mga sinasabi ng aking studyante kasi ang dami nya
pinipindot kahit magkandaduling na mata ko sa kakasunod ng tingin kung saan
siya pumipindot wala pa din akong nalalaman sa DOTA. Grabe! buntong hininga
nalang ako sa mga nangyayari sa akin sa loob ng computer shop, palinga-linga sa
mga naglalaro ng DOTA dahil halos ng studyante DOTA ang nilalaro kaya
naeenganyo akong panoorin sila.
Ilan sa mga bagay na
aking natutunan sa paglalaro ng DOTA ay kailangan munang gumawa ng host or pinaka
server upang makapaglaro, pwede din laruin ng isa o sampung tao na nahahati sa
dalawang team, pero hindi din naman kailangan maging makumpleto, pwede din
magkaroon ng kalaban na Artificial
Intelligence o AI, sa pamamagitan nito pwede na umpisahan ang laro.
Sa unang paglalaro,
kinakailangan pumili ng hero o gagamitin mong character na magsisilbing
katauhan mo sa paglalaro. May mga katangian o abilidad sila na dapat taglayin,
una ang strength (STR),minsan sila’y
makukunat, matatag at mahirap patayin dahil sa laki ng kanilang buhay.
Pangalawa, agility (AGI), mga klase
ng hero na mabibilis umatake na kapag lumakas ay kayang umubos ng isang team.
Pangatlo, intelligence (INT), mga
sumusuporta sa lahat ng mga STR at AGI
na hero. May iba’t ibang kakayahan ang bawat isa mula sa STR, kadalasang
nagpapalakas at nagdidikta kung paano didiskartehan upang patayin ang kalaban.
Ang AGI naman ay nagpapalakas din sa kanya ng doble at may hero din na AGI na
may mabagal na kapag nagamitan ay may malaking tsansa na mapatay ang kalaban.
INT naman ay may pinaghalong skills na AGI at STR na may stun at slow na kaya
nitong buwagin ang mga kalaban sa isang iglap lang. May tinatawag ding creeps na kung saan ito ay mga monster
na nagtatanggol sa kani-kanilang mga base. Ang base (Sentinel / Scourge),
ay mga human o salamangkero na kung saan ay mabubuti. Ang scourge ay mga undead o monster na aswang ng kadiliman.Mga klase ng
tore na umaatake sa mga kalabang creeps na dumidepensa para makapunta at sirain
ang Tree of Life sa Sentinel at
Frozen Throne. At kung makakarating ang hero para mabasag ang Tree of Life wagi
ka sa mga kalaban.
Sa wakas natapos din
ang aking paglalaro ng DOTA at natapos ko ito sa loob ng isang oras at nakakuha
ako ng puntos na 580,672 sa lebel na labing-anim.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento