Miyerkules, Marso 20, 2013

Ang Kontrabersiya at Ang Lente sa Kamera


Ang Kontrabersiya at Ang Lente sa Kamera


Makulimlim ang langit ng kamaynilaan na tila nagbabadya ng malakas na ulan.. Sa pagtahak sa mundo ng industriya, hindi inalintana ang gutom, pagod, at antok. Sa kabila ng paghihintay sa oras ng itinakda, kumain sandal sa isang napaka-espesyal na restaurant na Banapple. Unang kita palang, natakam na agad akong kumain, at hindi ako nagkamali sa aking pinuntahan, hmmm…super creamy and yummy cheese sa sarap ang pagkain sa halagang 185 lang mabubusog ka talaga at matatagpuan ito sa Morato
Matapos kumain, hinanap at tumungo sa kaharian ng showbiz kung saan dito makikita ang mga bigatin at mga hinahangaang artista sa pelikula , adbertisement, o sa mundo ng showbiz.  

Makikita ang logo, kung saan tinatamasa ng lahat. Unang sulyap sa ABS-CBN, hindi ko inakalang ganun pala ang mga patakaran sa loob ng studio. Dapat may kakilala ka sa loob bago ka makapasok. Napansin kong madami-dami din ang tila naghihintay sa labas ng studio at naghihintay din na dumating o lapitan sila ng kanilang mga kakilala.
Sunod-sunod ang pagpasok sa loob na tila hindi mapigilan. May napansin akong mga dalang ticket o gatepass na ipinapakita sa mga security guard habang kami sampu ng aking mga kasama ay naghihintay na papasukin.

At sa wakas, nakapasok din sa loob. Habang naghihintay papasukin sa pinaka-entablado ng The Buzz, nagkuhanan muna kami ng picture, buong klase ay nagalak sa pagpapakuha buhat sa maraming tao na hindi magkamayaw sa gulo. Kapansin-pansin din ang sabik ng mga tao na makakita ng artista sa loob. Ang buhay nga naman…!kahit hindi mo akalain na dapat kang tingalain, dadating din sa itinakdang panahon.
Ilang sandali pa’y nagbigay na ng patakaran ang mga security guard na kung ano ang bawal gawin sa loob. Pinapila kami ng dalawang linya habang excited pumasok sa loob.


Hindi napigilan ang pagpapakuha ng litrato  sa loob ng ABS-CBN sapagkat ito ang aming habit, ang magpakuha ng mga litrato kahit saan man mapadpad. Ang sarap ng pakiramdam na kasama mo ang buong klase at prof. na tila field trip lang ang dating at sana marami pang araw ang magkasama-sama ulet ang buong klase(bonding together). 

                                                                                                                              

Sa loob ng Studio
Habang nakapilang pumapasok sa loob, isa-isa kami pinaupo sa loob ng studio kung saan makikita mo ang senaryo ng entablado ay pawang may kaliitan. Akala ko ang laki ng entablado pagnakikita sa telebisyon, ngunit sa totoong buhay hindi pala. Malaki ang nagagawa ng lente sa kamera dahil inaagap nito ang bawat sulok o teksto na maaaring dayain sa paningin ng masa. Kabilang dito ang mga nakapalibot na mga tao sa studio, kung saan aligaga sila kung anu dapat unahin. Pero sabi nga nila, sanayan lang sa trabaho. Nakiramdam ako sa bawat eksena na kanilang ipinapakita. May kani-kaniyang role ang bawat isa. Halos nalilito ako kung sino sa kanila ang pinaka head director. Bakas sa aking isipan ang pagkalito nun, ngunit habang tumatakbo ang oras, naliwanagan ako sa aking mga nasaksihan. Para itong kontrabersiya sa pelikula o sa mundo ng showbiz, paikot-ikot ang bawat kilos, galaw, at kontrata ayon sa sinasabi ng namumuno.
 
Ang Host/ Artista at ang Lente sa Kamera
 Pagpasok sa entablado, kapansin-pansin ang tila naggagandahang host/artist na sina Charlene Gonzales at Tony Gonzaga at ang boses ng masa na si Boy Abunda. Kapanapanabik ang mga hinanda nilang eksena o kontrabersiya sa madla na mas pumatok at pinaghandaan ng lahat. Isa na dito ang hindi mapantayan alyas “Jolina M. at Marvin Agustin” na kinatampukan ng teen young loveteams na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Maraming mga kontrabersiya ang isiniwalat at itinakda. Handa ang madla sa kung anu ang kanilang makikita at maririnig sa studio.Makalipas ang ilang oras…abang ang lahat sa pagdating ng dalawang bigating artista na kapansin-pansin ang ingay, tili ng bawat kabataan, at may cheerer pa!
                                                                                                                                                     
 Sa momentum ng palabas, kitang-kita ang kapanapanabik na paghihintay ng mga manonood. Sa  paglalahad ng mga tv host,  walang kisap-mata ang namumutawi sa lahat.




Ang Talk Show
Isang ‘di mahulugang karayom ang bumulaga ng dumating ang sikat na loveteam na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Isang hindi mapantayang ingay ng makita ng lahat ang kakisigan at kagandahan ng guest. Sakanilang pag-entrada sa entablado, inisa-isa ang pagbabatikos ayon sa kanilang nararamdaman. Unang nagtanong si Charlene kay Kathryn:
Charlene: Kathryn, ayon sa mga witnesses, totoo ban a may namumuo ng relasyon sa inyo ni Daniel?
Kathryn: Hahahaha…(sabay tingin kay Daniel),actually tita, hindi naman mahirap pakisamahan si Daniel, his the one who makes me feel happy!
Charlene: So, totoo?
Kathryn: Actually, nagstart an gaming bonding sa teleserye ng Princess and I
Charlene: Hindi ba masyado obuse na sa lahat ng nakatambal mo sa mga pelikula, serye ay tanging si Daniel Padilla ang one of the kilig avid fans ng lahat at sinasabi nila na kayo na daw ba talaga? Hmmmp…aminin…!
Kathryn: Tita were just friends, hindi ko naman masisisi na sobrang sweet lang naming sa isa’t isa ni Daniel, time will come siguro…hahahaha
Tony:Ikaw naman Daniel, gaano ka-espesyal sayo si Kathryn?
Daniel: Sobra po!
Audience: (Nagkaingayan sa kilig!Napapasigaw!)
Tony: Ah talaga! So, hindi malabong may namumuo nga sa inyo ni Kathryn?
Daniel: (Napabuntong hininga)Tulad nga po ng sinabi ni Kath tita, friends lang po talaga kami.
Charlene: Pero, at the moment nang magkasama kayo sa Hong Kong, anu yung happiness na nararamdaman nyo?
Kath & Daniel: Sobra saya po!
Charlene: Okay! Mapapatunayan nyo ba kung gaano kau ka-espesyal sa isa’t isa? Gagawa kayo ng sarili ninyong script.
Tony: Kung saan lahat ng itatanong ng bawat isa e, pawang katotohanan lamang. Okay, umpisahan na natin!
   


­­­Daniel: Kath, ano ang gusto mong ibigay ko sa birthday mo?
Kath: (Tila nag-iisip kung ano ang hiling),hmmmp…bag!hahahaha
Charlene & Tony: Wow! Anung klaseng bag, anung tatak
Daniel: Louis Vuitton
Kath: hahahaha!
Charlene: , ikaw naman Kath,
Kath: Daniel, ano ang nais mong ibigay ko sa birthday mo?
Daniel: Sapatos nalang!hahahaha
Tony:Wow!anu kaya hilig ni Daniel pagdating sa shoes…?
Audience: Kiligan habang tinutugtog ang music album na “Na Sa Iyo na Ang Lahat”
Sa pagtatapos ng kiligan to the max nina Kath at Daniel, isang pasabog na naman ang eentrada sa pagbabalik ng The Buzz!
 


A very beautiful lady, Ms. Gretchen Barreto live here in The Buzz!
Sa kanyang pagbabalik showbiz, inamin nya sa lahat na malaki ang pagbabagong nagaganap ngayon sa kanyang buhay lalo nasa buhay-pamilya. Inamin nya sa lahat na nagpapasalamat siya sa mga blessings na dumarating sa kanyang buhay, higit sa kanyang career. Sa mga nagdaang panahon na kanyang ginugol sa industriya, hindi niya maitatago ang pasasalamat lalo sa kanyang anak at asawa, sapagkat tanging sila, mga tagasuporta, kaibigan ang nagpapalakas sa akin, kaya masasabing hanggang ngayon hindi kumukupas ang ganda, abilidad,at katatagan sa buhay. Nagpapasalamat si Gretchen sa kanyang kaarawan na idinaos dito sa The Buzz. Halos napaiyak siya ng makita ang kanyang anak na si Dominic “Dom” kung tawagin. Ipinadama ng kanyang anak kung gaano niya kamahal at ka-importante sa buhay ang inang si Gretchen Barreto. Sa kabila ng mga batikos, nananatiling ang anak at ang asawa niyang si Tony Boy Cojuangco ay palaging nasa tabi lang at laging suporta ang nananaig.
Sa pagtatapos ng The Buzz, marami ang nasisiwalat, nababatikos, at higit sa lahat hindi masasabing ang buhay ay hindi palaging nasa taas o ibaba man. Nararapat lamang natin pahalagahan kung anuman ang ating nakakamit ngayon at hinding-hindi dapat nating kalilimutan ang lumikha sa atin, ang Poong Maykapal.  


Sabado, Marso 2, 2013

Ang Makamundong Paglalaro sa Labas ng Kawalan


Isang magandang hapon ang sumagi sa aking isipan ng matanto ko na kailangan kong tumungo sa computer shop para maglaro ng DOTA. Bukod sa mga agam-agam na aking nararamdaman hindi ko inalintana ang aking kapaguran sa pagtuturo mula alas siete ng umaga hanggang ala una ng hapon kaya sinikap kong gamitin muna ang aking pahinga sa pagtuturo para makapaglaro ng DOTA. Isang kabutihang palad ng aking studyante na sinamahan ako at tinuruan kung papaano maglaro.

Una kong nabatid sa aking sarili na kahit ako’y isang guro, hindi nawala ang aking nerbyos dahil wala akong alam sa paglalaro ng DOTA. Pagpasok naming sa loob ng computer shop agad akong tumingin ng computer kung saan ito ay bakante. Nagkaroon ako ng kapasyahan na “kaya ko ito!”, hindi alintana sa akin ang mga studyanteng naglalaro sa loob kahit ubod ng iingay ay ipinokus ko ang sarili ko sa pagmamasid kung paano ito masusundang laruin.

Sa umpisa palang nahirapan talaga ako sa mga sinasabi ng aking studyante kasi ang dami nya pinipindot kahit magkandaduling na mata ko sa kakasunod ng tingin kung saan siya pumipindot wala pa din akong nalalaman sa DOTA. Grabe! buntong hininga nalang ako sa mga nangyayari sa akin sa loob ng computer shop, palinga-linga sa mga naglalaro ng DOTA dahil halos ng studyante DOTA ang nilalaro kaya naeenganyo akong panoorin sila.



Ilan sa mga bagay na aking natutunan sa paglalaro ng DOTA ay kailangan munang gumawa ng host or pinaka server upang makapaglaro, pwede din laruin ng isa o sampung tao na nahahati sa dalawang team, pero hindi din naman kailangan maging makumpleto, pwede din magkaroon ng kalaban na Artificial Intelligence o AI, sa pamamagitan nito pwede na umpisahan ang laro.

Sa unang paglalaro, kinakailangan pumili ng hero  o gagamitin mong character  na magsisilbing katauhan mo sa paglalaro. May mga katangian o abilidad sila na dapat taglayin, una ang strength (STR),minsan sila’y makukunat, matatag at mahirap patayin dahil sa laki ng kanilang buhay. Pangalawa, agility (AGI), mga klase ng hero na mabibilis umatake na kapag lumakas ay kayang umubos ng isang team. Pangatlo, intelligence (INT), mga sumusuporta sa lahat ng mga  STR at AGI na hero. May iba’t ibang kakayahan ang bawat isa mula sa STR, kadalasang nagpapalakas at nagdidikta kung paano didiskartehan upang patayin ang kalaban. Ang AGI naman ay nagpapalakas din sa kanya ng doble at may hero din na AGI na may mabagal na kapag nagamitan ay may malaking tsansa na mapatay ang kalaban. INT naman ay may pinaghalong skills na AGI at STR na may stun at slow na kaya nitong buwagin ang mga kalaban sa isang iglap lang. May tinatawag ding creeps na kung saan ito ay mga monster na nagtatanggol sa kani-kanilang mga base. Ang base (Sentinel / Scourge), ay mga human o salamangkero na kung saan ay mabubuti. Ang scourge ay mga undead o monster na aswang ng kadiliman.Mga klase ng tore na umaatake sa mga kalabang creeps na dumidepensa para makapunta at sirain ang Tree of Life sa Sentinel at Frozen Throne. At kung makakarating ang hero para mabasag ang Tree of Life wagi ka sa mga kalaban.

Sa wakas natapos din ang aking paglalaro ng DOTA at natapos ko ito sa loob ng isang oras at nakakuha ako ng puntos na 580,672 sa lebel na labing-anim.

Haplos at Hagod sa Wensha Spa


Matapos ang klase, pinaghandaan ang pagpunta sa Wensha Spa kung saan matatagpuan ito sa Timog Ave. Quezon City. Isang waglit sa pag-iisip na hindi alintana ang pagkanerbyos sa pag-uwe, bagkus tinahak kahit kulimlim ang kalangitan. Sobra akong na-excite  sa pagpunta doon kasi ngayon ko lamang matutunton ang Wensha Spa na dinadagsa ng marami. Habang nasa byahe, naiimagine ko ang mga service treatment kung papaano sila nagmamasahe. Hindi alintana ang medyo traffic na pagtungo sa Timog, at kinalauna’y nakarating na din ako doon.

Sa pagpasok sa loob ng Wensha Spa, nilibot ko nang tingin ang kanilang Center Company kung saan naglaro sa isip ko ang mga ganitong eksena: nakakatakot naman magpamasahe kasi feeling  ko mababali ang mga buto ko,ang daming tao na tila walang humpay sa pagbabayad at meron din akong nakita na ang daming tattoo sa katawan, na-conscious  ako bigla sa mga nakita ko. Nagtsek ako ng mga  service treatment nila kung saan ang pinakamura lamang ay Wensha Body Massage  na nagkakahalagang Php780. Natuwa ako sa nakita kong Magic Eye Lashes na-curious lang ako dahil parang gusto kong magpa-magic eye lashes, ngunit nang nakita ko sa service price ay nagkakahalagang Php980, wag nalang!kontento na ako sa eye lashes ko (kahit hindi masyadong mahaba). Pagpunta sa counter agad na nagtanong kung anong service treatment ang gagawin, kinuha ang bayad at binigyan ng automatic key lock para sa locker. Tsinek ang mga mahahalagang bagay mula sa aking bag at pumanhik nasa 2nd floor para tunguhin ang locker na paglalagyan ng gamit.

Sa 2nd Floor

Habang umaakyat sa ikalawang bahagi ng Wensha, halos hindi magkamayaw ang mga tao sa paglasap ng mga putahe at iisiping ito’y fiesta. Tumingin sa palibot ng lugar kung saan naroon ang lahat ng putaheng kinagigiliwan ng madla. Iba’t ibang putahe ang bumungad sa aking mga mata tulad ng manok na matamis, chopsuey, pancit, lumpiang togue, mga fresh vegetables tulad ng petsay, carrot, mais, petsay baguio, at tofu  na tinatawag nilang Shabu-shabu, at mayroon din na    ginataang bilo-bilo, coffee jelly at ang bottomless drinks red ice tea  at orange juice . Mapapansin na puro gulay o pang-food diet  ang mga nakahandang pagkain. Wala akong nakita kahit anong luto ng baboy, vegetarian food  ika nga! Napansin ko din na may mga patakaran sila sa loob na bawal ang left over multang Php300, 8hrs accommodation( overstaying charge Php100 /hr).

May mga nakasuot na ng robe para ready massage na, at yung iba naman ay tila nag-eenjoy pa sa pagkain. Pagpunta sa loob,tumungo sa locker kung saan may mga ladies na pwede mag-assist kung ano ang kailangan. Binigyan agad ako ng robe at towel para sa aking service treatment. Malaya kong nagawa ang aking pagmamasid habang tinitingnan ng karamihan. Siguro nasa isip nila first timer. Sa mga SM lang kasi ako nagpapa-body massage  na kung tutuusin walang ganun at Php250 lang ang bayad halos masahe lang talaga ang kanilang ginagawa. Kaiba sa Wensha na talagang mae-enjoy ang pagkasabik, pagkasarap sa mga pagkain at pagkadama habang minamasahe ng walang tigil na hagod at haplos. Ang pinakanagustuhan kong pagkain ay chopsuey, lumpiang togue, fresh carrot, at red ice tea. At dahil na-enjoy ko ang pagkain kumuha ako ng desert na ginataang bilo-bilo at coffee jelly. Ang sarap ng pakiramdam lalo kung kasama ko ang aking pinakamamahal na asawa, sigurado akong ma-e-enjoy nya din ang ganitong pagkakataon. In time, sa aming ika-apat na taong anibersaryo gusto kong maulit ang pagpunta dito.

Sa loob ng Wensha Body Treatment

Matapos kumain ay nag-umpisa na akong mag-shower, binasa ang buong katawan at hinayaang basang-basa. Sunod kong ginawa ang pumunta sa hot and cold Jacuzzi. Sobrang na-excite ako sa pagbabad sa cold Jacuzzi dahil tila may yelo sa sobrang lamig at hot spring naman sa hot. Ako lang mag-isa ang nakalublob sa Jacuzzi kaya naaliw ako ng husto pakiramdam ko ako si  Dyesebel  na walang saplot na nasa ilalim ng dagat. Makaraan ang labing limang minute, tumungo naman ako sa Sauna, pagpasok ko palang sobrang nag-aapoy sa init ang pakiramdam na tila para akong pandesal na niluluto sa pugon. Habang naglalabasan ang mga mantika ko sa katawan, pakiramdam ko wala na akong ilalabas pa kasi natunaw na sa sobrang init . Tumagal ako hangang sampung minuto, hindi ko na kinaya dahil para akong ma-heat stroke. Pagkalabas ko dumeretso na ko sa Steam Bath, dito medyo naging ok pa ang pakiramdam ko ngunit habang tumatagal tila nababalot ako ng usok wari’y hindi ako makahinga parang Fag lang ang tema. Umiinit din pero mas hindi ako komportable sa Sauna dahil dry ang kulob ng lugar.

Sa loob ng Body Massage

Tuwang-tuwa ako nang matapos ko ang mga service treatment ng Wensha, ngunit ito na yung pinaka-pinapanabikan kong gawin sa akin, ang whole body massage. Nakatuon ang aking pag-iisip sa pagrerelax habang nakahiga at ang tanging saplot lamang ay towel. Nagsimula na ang session, pinapili ako kung garlic ointment with menthol o mineral , mas pinili ko yung may menthol. Una pinadapa ako at ang aking mukha ay nakasubsob sa malambot na towel na may korteng bilog at sa ilalim ng kamang hinihigaan ko  ay may butas kung kaya relax lang ako habang hinahagod at hinahaplos ang aking katawan. Sa unang pagmamasahe ang aking mga binti, hita na tila nagulat ako ng biglang napadiin sa pagmamasahe ang aking reflexology , napatawa ako bigla dahil hindi ako sanay na ganun ang pagmamasahe, tinanong naman nya ako kung hard o soft lang sabi ko soft lang para hindi ako masaktan. Sa pagmamasahe sa akin,hindi ko magawang hindi tumawa dahil nakikiliti ako at minsan pa’y napapaigtad sa sakit. Lalo na yung pagsakay niya sa aking likuran na tila walang pasubali na ganun pala sila kalakas, pakiramdam ko mababali at manlalagas ang aking mga buto. Sobrang sarap ng pakiramdam ng naririnig ko ang mga lamig sa katawan ko ay naglalagutukan na biglang animo’y parang ulap na nawala. Isang oras ang nakalaan na pagmamasahe sa bawat customer . Kitang-kita ko na masaya ang lahat sa pagmamasahe sa kanila kaya kahit may kamahalan sulit naman.

Ang Shabu-shabu

Isang napaka-espesyal na putahe ang tinatawag na Shabu-shabu. Unang sumagi sa isip ko na bakit ganun ang tawag sa pagkain, droga ba ito o yung mga street foods na ibinebenta sa bawat lugar na patok sa mga tao?

Hindi maikakaila na sa unang pagkita koito pala ay samu’t saring gulay na ikaw na mismo ang bahalang magtimpla. Na-enjoy ko ang pagkaing ito. Para lamang isang isang bulalo, kasi pinagsama-sama  ko ang sariwang gulay, fresh carrot, mais, tofu, bacon, at ready soup  na pampalasa. Nilagyan ng kaunting toyo at chilli  na pampalasa. Pinakuluan ko i to ng labing limang minute. At nang maluto, fight na! Bawal magtira kaya sapilitan ko itong inubos kahit masuka-suka na ako sa pagkabusog.






At sa wakas, natapos ang hinangad kong panunumbali sa Wensha Body Massage. Nagkaroon ng pagre-relax ang aking natatagong kaisipan.